Re-enacted budget para sa 2019, pinangangambahan

(Eagle News) — Dahil sa kabiguan ng Kamara na maisumite ang panukalang 3.7 trillion budget para sa 2019, namimiligrong magkaroon ng re-enacted budget sa susunod na taon.

Nakalusot na sa second reading sa Kamara noong Oktubre ang panukala pero hindi pa ito naitra-transmit sa Senado.

Sa November 28 pa raw ito nakatakdang pagtibayin ng mababang kapulungan sa third at final reading at November 29 pa maisusumute sa Senado.

Nangangamba si Senador Panfilo “Ping” Lacson, dahil kapag re-enacted ang budget nangangahulugan ito na walang pondo para sa mga bagong programa at proyekto ng gobyerno.

“Mas mainam nang iwanan sa executive branch ang pag-operate ng gobyerno under the reenacted budget kesa sa hilaw at di namin masyadong ma-scrutinize ang pinagpapapasok ng mga congressmen. At saka talagang we’re not superheroes to finish the job in so short a period na in 6-7 session days. Maski magdamagan kami riyan imposible,”ayon kay Lacson.

P50-billion pork barrel sa Kamara, dahilan kung bakit nade-delay ang budget approval – Sen. Lacson

Hinala ni Lacson, ang insertion ng lower house o ang pork barrel na umaabot sa mahigit 5o billion ang dahilan bakit nade-delay ang submission sa Senado ng budget.

Isa sa tinukoy nito ang 31 billion na Lumpsum fund na itinago sa road repair projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) pero hindi malinaw kung saang mga barangay o lalawigan.
Posible rin umanong may kinalaman ito sa eleksyon dahil kapag re-enacted ang budget bahala na ang Malacañang sa paggastos ng pondo.

“Doon sila medyo nagkakagulo ngayon kung sino makikinabang sa itemized projects. Yan siguro ang may haggling, kung sino magkakaroon ng ganoon or sino mawawalan, kanino mas malaki. So yun nga, in spite of the jurisprudence based on the sc ruling in 2013 na bawal ang pork, ano bang ginagawa natin? Puro pork yan,” pahayag ng senador.

May backroom negotiations para sa hiling ng mga mambabatas – Sen. Trillanes
Pero sa impormasyon umano ni Trillanes, may nangyayari backroom negotiations at hindi pa bumibigay ang Malacañang sa hirit na 100 billion insertions ng mga kongresista.

“Medyo mahiwaga ito. Dapat after break nagsusimula na hearing ng Senado. We would assume na may mga backroom deals na nangyayari para madagdagan ang proyekto ng iba’t-ibang congressmen kasi meron sila ibang pinapaboran,” ayon naman kay Trillanes.

Samantala, may panukala naman si Senador Juan Miguel Zubiri na mag overtime ang Senado at magsagawa ng sesyon mula umaga hanggang hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

“The submission of the GAB on Nov. 28 will definitely make it more difficult for the senate to finish the discussion and approval of the budget on or before the Dec. 12 deadline. We will be cramming on the budget if we stick to the 6 session days left to us by the delay. I will be proposing to the members of the senate that instead of extending a week longer that we just extend our work week from Monday to Friday to finish the deliberations on the GAB,” ayon naman kay Zubiri.

Mga senador kakausapin para mapagtibay ang budget bago mag-December 12

Sabi pa ni Zubiri kakausapin nya ang mga kapwa senador hinggil dito para maihabol ang budget bago sila mag adjourn sa December 12.

Budget na pinagtibay ng Kamara, maraming insertions – Sen. Lacson

Pero sabi ni Lacson, hindi pa rin sapat ang dalawang linggo para mahimay ang detalye ng budget ng bawat departmento ng gobyerno.

Hindi pabor si Lacson na aprubahan agad ang budget na inaprubahan ng Kamara dahil sa sangkatutak na insertions.

Maaari naman raw ihabol ang pagpapatibay ng General Appropriations Act sa Enero.

“We will be given 5 session days for 2 weeks, 6 session days to tackle the budget and we cannot finish it. Pwede namin resume yan pagbalik namin sa January at para maihabol. But in the meantime reenacted ang budget hanggang di naipapasa for that period,” pahayag ng senador.

https://youtu.be/A8VcT1Pj-t4