Rayver Cruz, may bagong album

Mula siya sa angkan ng mga magagaling na artistang Pilipino. Si Rayver Cruz ay kilalang actor, dancer at ngayon ay isa na ding singer.

Sa kabila ng napakarami niyang mga pelikula at teleseryeng nagawa at patuloy na ginagawa, nakapagfocus pa din siya sa kaniyang talent sa music.

Taong 2007 at 2010 nang huli siyang nagreleased ng dalawang dance album na nagpakita ng mga moves niya at galing sa pagsasayaw kasama ng iba pang dancers and artists.

Taong 2011, inilabas naman ng Sony Music A&R Team ang kaniyang pinaka-unang self-titled album. Isa itong EP album na naglalaman ng limang mga awitin. Mga awiting R&B at dance song ang nakapaloob sa album na ito tulad ng kantang 143.
At ngayong taong ito ay panibago na namang album ang hatid ni Rayver sa ating lahat, ang “What You Want” na kung saan nakapaloob dito ang carrier single niyang “Bitaw”.

Hindi maitatagong excited si Rayver sa nalalapit niyang album launch na gaganapin ngayong Biyernes, May 20.

Bukod sa kaniyang mga tagahanga at mga tagasuporta. Nagpapasalamat din si Rayver sa Pinas FM kung saan nagpapatugtog ng 100% pinoy music.

Sa ngayon ay busy din daw si Rayver sa isang teleserye at paggawa ng pelikula.