Queen Mother “Karla Estrada”, matagumpay ang isinagawang concert

Successful ang isinagawang concert ng nag-iisang “Queen Mother” na si Karla Estrada na ginanap noong Sabado, April 30 sa Grand Ball Room, Solaire, Pasay City.

Dinumog ng napakaraming tao maging ng mga kasama at malalapit na kaibigan sa show business ni Karla tulad nina Diego Loyzaga, Kathryn Bernardo at iba pa.

Ang concert ay pinamagatang “Her Highness: The Queen Mother Concert”. Ang kaniyang pagbabalik stage after 20 years.
Opening number pa lamang, ipinamalas na ng Queen Mother ang kaniyang galing sa pagkanta.

Inawit din niya ang iba’t-ibang interpretations niya ng mga awiting Through the Fire, mga OPM medley’s, Tina Turner’s medley at marami pang iba.

Guest performer naman sina Jay-R, Tutti Caringal, Edgar Allan Guzman, Nyoy Volante, Vice Ganda, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na nagbigay pa ng mensahe sa Queen Mother.

May mga pagkakataon din na naging emotional ang Queen Mother. Tumagal ng mahigit sa tatlong oras ang naturang concert. Sa huli hindi maitago ang kagalakan sa mukha ni Karla na naging matagumpay ang kaniyang concert. Present din sa concert ang mga anak niyang sina Daniel, JC, Margaret at Carmella na nagbigay pa ng mensahe sa kanilang ina.

Sa pagbabalik niya sa limelight, bukod sa morning talk show na mayroon na siya, mga pelikula ay may mga dapat pa daw na abangan sa kaniya at ito ang kaniyang solo album.

Nagpapasalamat ang “Queen Mother” sa isang matagumpay na konsiyerto na kaniyang nagawa at ito ay sa tulong ng mga taong tunay na naniniwala sa kaniya.

Pabor naman at hindi din daw aniya tututol si Karla kung sakali man na ang iba pa niyang mga anak ay pumasok din sa show business.