Protocol sa suspensyon ng klase sa Quezon City, mas pinaigting

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang protocol sa pagsususpinde ng klase sa lungsod.

Sa pulong na pinangunahan ni Vice Mayor Joy Belmonte kasama ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QCDRRMC), naglatag ito ng mga bagong polisiya sa suspensyon batay sa umiiral na Executive Order No. 66.

Inatasan ng bise alkalde ang QDRRMC na ilathala sa official website nito ang impormasyon ukol sa suspensyon ng klase bago mag-4:00 ng umaga para sa morning classes at bago mag-alas-onse (11:00 AM) ng umaga para naman sa afternoon classes.

Kailangan ding maianunsyo ang mga klase sa pamamagitan ng official media channels. Sa mga kaso naman ng pagbaha at malalang mga sitwasyon sa ilang mga lugar na mapanganib sa mga mag-aaral at mga empleyado, hinikayat ang palagiang koordinasyon ng mga Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committees sa QDRRMC.

https://www.youtube.com/watch?v=cJhxH8_VHaM&feature=youtu.be