Presyo ng tinapay, tinapyasan

vlcsnap-2016-04-19-19h09m46s59
Bawas-presyo sa tinapay, ipinatupad

(Eagle News) — Nagpatupad na ng bawas-presyo ng Pinoy Tasty at pandesal ang Philippine Federation of Bakers’ Association sa araw na ito.

Tinapyasan ng P0.50 ang kada pakete ng tasty habang P0.25 naman ang ibinaba sa pandesal.

Dahil dito, magiging P35.00 na ang halaga ng kada loaf ng Pinoy Tasty habang P21.50 naman ang kada balot o P2.15 ang kada piraso ng Pinoy pandesal.

Matatag umano ang presyo ng harina sa pamilihan dahilan upang magbaba ng presyo ang naturang mga produkto.