Presyo ng produktong petrolyo tataas simula bukas, Peb. 19

(Eagle News) — Muling magtataas ang presyo ng produktong petrolyo simula bukas pebrero 19.

Sa abiso ng Shell, PTT, at Petro Gazz ang kanilang dagdag sa kada litro ng gasolina at diesel at Php 0.70.
Habang Php 0.35 naman ang itataas sa kada litro ng gaas ng Shell.

Epektibo ito pagsapit ng alas-sais ng umaga bukas at asahang mag-aanunsyo rin ang iba pang oil companies.
Ang panibagong oil price hike ay bunsod ng pagtaas ng presyo sa world market.

https://youtu.be/cAQbMkKduxs