Presyo ng petrolyo, tataas ngayong linggo

(Eagle News) — Tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Pero nilinaw ng ilang oil industry sources na hindi pa ito ang epekto ng excise tax na nakatakdang ipataw sa mga oil products ngayong taon.

Inaasahang maglalaro sa Php 0.80 hanggang Php 0.90 ang dagdag sa presyo ng gasolina kada litro.

Una nang sinabi ng Department of Energy na aabot sa isang buwan ang buffer stock ng mga kumpanya ng langis kaya dapat ay pagkatapos ng ikalawa hanggang ikaapat na linggo ng Enero maipapatupad ang dagdag na excise tax, para sa mga aangkating produkto.

Maglalaro naman sa Php 0.60 hanggang Php 0.70 per liter ang dagdag sa presyo ng diesel habang Php 0.50 naman sa bawat litro ng  kerosene o gaas.

https://youtu.be/ZGggE1Aj0Ao