PRC, nagbabala ukol sa pekeng online ID renewal service

(Eagle News) — Nag-paalala ang Professional Regulation Commission (PRC) sa mga magre-renew ng kanilang professional Identification Cards na direktang makipag-ugnayan sa ahensya upang hindi maging biktima ng identity theft.

Ito ay matapos makatanggap ng ulat ang PRC na may ilang grupong nag-aalok ng pekeng renewal services sa internet.

Ayon sa PRC, maaaring direktang i-renew ang mga litrato ng professionals sa anumang tanggapan at opisyal na online services ng ahensya.

Maaaring ma-access ang online services ng PRC sa www.prc.gov.ph