PNP at SSS nagkasundong hahabulin ang mga kumpanyang hindi nagre-remit ng SSS contributions

(Eagle News) — Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng Philippine National Police at Social Security System o SSS ukol sa pagtulong ng PNP sa paghahain ng warrant of arrest sa mga kumpanya na hindi nagreremit ng SSS contribution ng kanilang mga empleyado.

Naniniwala ang SSS na magsisilbi itong babala sa mga negosyante na hindi tumalima sa isinasaad ng batas hinggil sa SSS contribution.

Kasabay nito, nagbigay naman ang SSS ng mga direction sinages sa PNP na ilalagay sa mga kalsada kamaynilaan upang mas madaling matunton ang mga presinto ng PNP sa Metro Manila.

Nakalagay din sa naturang mga sinages ang mga numero na maaring tawagan ng publiko oras na kailanganin ang tulong ng pulisya. (Eagle News Mar Gabriel)