Pilipinas, bumagsak ng tatlong puntos sa Global Passport Index

(Eagle News) — Bumagsak ng tatlong puntos ang ranking ng Pilipinas sa Global Passport Index mula sa pang-72 noong nakaraang taon patungo sa pang-75 ngayong taon.

Batay sa Henley Passport Index, ang Japan ang maituturing na mayroong “most powerful passport” kung saan pinapayagan ang kanilang mga mamamayan na bumiyahe sa 190 mga bansa at teritoryo nang visa-free o visa-on-arrival access.

Sumusunod sa Japan ang Singapore, Germany, France, South Korea, Denmark, Finland, Italy, Sweden, Spain, Norway, United Kingdom, Austria, Luxembourg, Netherlands, Portugal, at United States (186).

Napanatili naman ng Pilipinas ang ranking na pang-66 sa listahan ng mga bansa at teritoryo na ang mga mamamayan ay nakakabiyahe ng walang visa sa iba pang mga bansa.

Nakabase ang ranking sa datos mula sa Air Transport Association.

Ang Henley Passport Index ay ranking ng mga pasaporte sa buong mundo batay sa bilang ng mga bansa na pwedeng pasukin ng mga mamamayan ng walang visa.