PHL at Japan coastguards, nagsagawa ng joint drills vs piracy

(eagle News) — Nagsagawa ng drill ang Philippine Coastguard at ang Japan Coast Guard laban sa piracy at hijacking incidents sa karagatan.

Gamit ng dalawang guard teams sa drills ang apat na patrol ships sa Manila Bay kabilang na rito ang BRP Suluan at Fast Patrol Boat na BRP Boracay.

Ang Echigo Patrol Vessel at helicopter naman ng Japan Coastguard ay ginamit sa Joint Maritime Exercise sa one nautical mile north ng Sangley Point sa Cavite City.

Ayon kay Philippine Coastguard Spokesperson Captain Armand Balilo, mahalaga ang joint exercises bilang paghahanda sa anumang pag-atake sa karagatan.

Sa tala, nasa 13,000 foreign vessels ang dumadaan sa 29-kilometer Sibutu passage mula China, Japan, Australia at South Korea.

Ang Sibutu passage ay matatagpuan malapit sa Tawi-Tawi Islands at madalas na ginagamit sa paglalayag sa gitna ng Pacific Ocean at West Philippine Sea.

Sabi ni Balilo ang “zero incidents” sa piracy ang southeastern Mindanao, ito aniya ay resulta ng pina-igting na maritime patrols ng PCG at Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng local government units.

Ang pagsasanay ng Pilipinas at Japan ay bahagi ng pagsasanay ng bansa sa ilalim ng Joint Maritime Cooperation.

https://youtu.be/aR4Dk__x0Js