Pelikulang “Felix Manalo,” nominado sa ilang kategorya ng “39th Gawad Urian” Awards

Nominado sa ilang mga kategorya ang pelikulang “Felix Manalo” sa 39th Gawad Urian Awards kasama ng iba pang mga pelikulang Pilipino.

Ang Gawad Urian ay isang award giving body para sa mga natatanging pelikulang Pilipino sa pakikipagtulungan ng Cinema One.

Kasama sa nominasyon si “Dennis Trillo” bilang best actor, si “Rody Lacap” sa best cinematography, sina Joel Bilbao, Edgar

Martin Littaua at Danny Red naman bilang best production design at si Albert Michael Idioma sa best sound category.

Sa ginanap na presscon ng Gawad Urian, opisyal na nilang ina-anunsyo ang mga natatanging pelikula na nominado sa 39th Gawad Urian Awards. Ang naturang awards night ay gaganapin sa Kia Theater, Cubao, Quezon City Sa June 21, 2016.