Pelikulang “Area” unang pelikulang pagsasamahan ng mag-inang Ai Ai at Sancho delas Alas

MANILA, Philippines — May bagong pelikula mula sa Comedy Concert Queen na si Ms. Ai Ai delas Alas. Makakasama rin niya sa kauna-unahang pagkakataon ang kaniyang anak na si Sancho sa isang pelikula.

Sa naganap nitong press conference, nagkaroon tayo ng pagkakataong makausap ang mga cast ng pelikulang “Area.”