Patung-patong na reklamo vs De Lima et al., inihain ng NBI sa DOJ

MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinampahan ng NBI nang patung-patong na reklamo sa Department of Justice (DOJ) si Senadora Leila De Lima kaugnay sa kalakalan ng iligal sa loob ng pambansang piitan.

Bukod sa senadora, pinakakasuhan din ng NBI sina dating Bureau of Corrections (BuCor) director Franklin Bucayo at DOJ Undersecretary Francisco Baraan at maging ang dalawang opisyal ng NBI na umaming nagdala ng milyung-milyong piso kay De Lima noong ito’y kalihim pa ng DOJ.