(Eagle News) — Masama rin ang loob ni Pasang Masda President Obet Martin sa naging paraan ng LTFRB sa pagbabawas ng pamasahe sa jeep.
Ayon kay Martin, wala namang problema sa kaniya kung kailangan talagang magpatupad ng fare rollback pero dapat dumaan sa tamang proseso at hindi biglaan.
Aniya sa halos isang taong paghihintay na ginagawa ng mga transport groups sa tuwing sila ay may kahilingang itaas ang pasahe ay hindi naman makatwiran na hindi dumaan sa pagdinig at konsultasyon ang pagbaba ng pamasahe.
“Nagkaroon kami ng pag-uusap. Pero inunahan na nila kami. Kahit sabihin nilang provicional lang pero bakit yung aming pormal na petition ay inabot nang almost a year na dinirinig nila yan. Pagkatapos, PA din ang inissue nila ano ho ba ang pagkakaiba non? Wala nang proseso eh, antimano they easily direct provision lowering the fare into Php 9.00,” ayon kay Martin.
https://youtu.be/XsutJoWuhAQ





