Pasang Masda humingi ng pang-unawa sa pagtaas ng pamasahe

(Eagle News) — Humingi ng pang-unawa sa publiko si Pasang Masda Persident Obet Martin sa sampung pisong pamasahe sa jeep.

Ayon kay Martin, ang pisong pagtaas sa pamasahe ay upang matugunan lamang ang ilang beses na naging pagtaas sa presyo ng gasolina.

Sinabi pa ni Martin na ang grupo naman nila ang nauuna at boluntaryong naghahain ng petisyon sa pagbaba naman ng pamasahe sa sandaling magkaroon ng pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo.

“Remember, two years ago, when we voluntarily filed our petition for reduction of fare. I invited Fejodap, Altodap, ACTO and some other group to join Pasang Masda for this endeavor, because we also just want to give a “fair, fair” to our riding public. Kaya po siguro iyong give and take situation ang ating pairalin dito at sana maunawaan po nila ang sitwasyon namin dito ,” pahayag ni Martin.

https://youtu.be/5O8VU2jwqiM