Paring umano’y nangmolestiya ng menor de edad, inireklamo sa DOJ

(Eagle News) — Pormal nang sinampahan ng reklamo ang isang pari ng simbahang katoliko sa Deparment of Justice (DOJ) ngayong araw na sangkot sa pagpasok ng isang menor de edad na dalagita sa isang motel sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong anti-human trafficking act ang pari na kinilalang si Arnel Lagajeros na isinampa ng pamilya ng biktima sa pangunguna ng Public Attorney’s Office(PAO).

Isasailalim naman sa provisionary status ang pamilya ng biktima habang isinasaayos pa ang mga dokumento upang tuluyang mabigyang ng witness protection ang dalagita at mga magulang nito.

July 30, nang mahuli ang pari kasama ang dalagita sa pagpasok sa isang motel.

Sa imbestigasyon ng PAO nakita sa cell phone at social media account ng biktima na ibinugaw ito sa pari.

5 iba pa na sangkot sa insidente, inireklamo rin ng PAO

Dahil dito, isinama ng PAO sa sinampahan ng reklamo ang limang iba pa na sangkot sa naturang insidente.

Dagdag pa ni Atty. Percida Acosta dalawang kaparehong kaso pa ang kinasasangkutan ng pari.

(Eagle News Service Erwin Temperante)