Panelo: Wala pang impormasyon kung itatalaga si Sen. Honasan bilang DICT Chief

(Eagle News) — Kukumpirmahin pa lamang ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kung itatalaga si senador gringo honasan bilang head ng Department of Information and Communications Technology o DICT oras na matapos ang kaniyang termino sa Hunyo 2019.

Ayon kay Panelo, walang pang sinasabi sa kaniya si Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa nasabing usapin.

“Wala pa. I was with the President, he has not told me anything about it,” ayon kay Panelo.

Si Honasan ay nagsilbing senador mula 1995 hanggang 2001, 2007 hanggang 2013 at 2013 hanggang sa 2019 na lamang.

Tumakbo si Honasan sa pagka bise presidente noong 2016 elections pero natalo siya.

Si Acting Secretary Eliseo Rio ang kasalukuyang head ng DICT.

Oras na maisulong ang appointment ni Honasan, magiging kabilang na siya sa walong iba pang cabinet appointees ng Pangulo na mula sa military ranks.