Palasyo hahayaang magpasya ang korte kung isasailalim sa hospital arrest si Sen. De Lima

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hahayaan na lamang umano ng Palasyo ang korte na magdesisyon kung isasailalim sa hospital arrest si Senador Leila De Lima.

Ayon kay Presidential Spokesperon Harry Roque, hindi sila sumusuporta at hindi rin sila tumututol dahil ang korte na ang magdedetermina sa usapin ng hospital arrest lalo pa at ito ay isang health issue.

Umaasa rin ang Palasyo na mabuti ang kondisyon ni De Lima matapos ang kaniyang medical examination.

https://youtu.be/ssEOshiRoEM