PAL, nagbukas ng karagdagang domestic flights mula sa Clark

(Eagle News) — Nagbukas ang Philippine Airlines (PAL) ng bagong ruta via Clark International Airport sa Pampanga.

Kabilang sa mga binuksang ruta ng PAL ay sa mga kilalang destinasyon sa northern Luzon, Mindoro, Palawan at Mindanao.

Ayon sa PAL, ang mga byahero ay maaari nang mag-take ng flights mula sa Clark patungo sa Siargao, San Vicente sa Palawan, Cauayan sa Isabela at San Jose sa Mindoro.

Ang binuksan anila na bagong flights ay inaasahang magpapalakas sa turismo at mas makakahikayat sa mga turista na bumisita sa mga tourist destination sa ating bansa.