Pagkakapili kay Maria Ressa sa Nobel Peace Prize, “parang pang-iinsulto” sa Pilipino – Rep. Marcoleta

Ipinahayag ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta na “parang iniinsulto ang Pilipino” at hindi dapat ikatuwa ng mamamayang Pilipino ang pagkakapili kay Maria Ressa ng Rappler bilang awardee ng Nobel Peace Prize.

Ibinatay ni Marcoleta ang kanyang pahayag sa naging karanasan niya sa mga isinulat ng Rappler.

“Ituring mo na akong kasama sa mga hindi sumasang-ayon na binigyan siya ng parangal ng Nobel Peace Prize,”  ayon pa kay Marcoleta sa programang “Sa Ganang Mamamayan” ng NET25 at Radyo Agila.