Pagdiriwang ng National Reading Month, pangungunahan ng DepEd

(Eagle News) — Pangungunahan ng Department of Education (DepEd) ang pagdiriwang ng National Reading Month ngayong buwan.

Batay sa memorandum na inilabas ng DepEd, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na kailangang sumali ang mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa sa mga nakalinyang aktibidad ngayong taon.

Layon ng National Reading Month na mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paghimok sa kanilang magbasa ng mga aklat.

Ang tema ng National Reading Month ngayong taon ay ang “Pagbasa: Susi Sa Magandang Kinabukasan.”