(Eagle News) — Napapanahon para muling buhayin ang Local Price Coordinating Council (LPCC).
Sinabi ni Department of Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño na malaki ang maitutulong nito para mabantayan ang mga di makatwirang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa ilang mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Sa paraang ito, ang bawat barangay ang magsisilbing ahente ng Department of Trade and Industry (DTI) at sila ang magsasagawa ng regular inspection sa mga pampubliko at pampribadong pamilihan.
Matitiyak ding hindi masasamantala ang presyo ng mga prime commodities.
Malaki aniya ang magiging tulong at gagampanan ng bawat barangay sa mga problemang katulad nito at kapag hindi sila tumalima dito ay papatawan sila ng kaukulang parusa.
“Ito yung serbisyo. Kaya nga may barangay saan mang sulok ng Pilipinas eh, para makatulong kami sa national government when it comes to our problem lalung-lalo na yung sa basic commodities. Iikot ang barangay, tapos mayroon kaming price suggestion mula sa DTI. Kung ano ang ibibigay sa amin ng DTI, ay iyan ang dapat na ipatupad, dahil kung hindi ay manghuhuli kami sa barangay,” pahayag ng opisyal.
https://youtu.be/G2n8B6Nyv_w





