Pagbubukas ng klase, sinabayan ng protesta

(Eagle News) — Sinabayan ng kilos protesta ang pagbubukas ng klase ngayong araw.

Kabilang sa mga nag-rally sa Mendiola ang grupo ng mga guro na tutol sa implementasyon ng K to 12 program.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) – Philippines, palpak ang pagpapatupad ng administrasyong Aquino sa K to 12.

Hindi anila handa ang mga paaralan sa bansa para magpatupad ng programang Senior High School (SHS).

Babala rin ng grupo na posibleng tumaas ang bilang ng drop-outs dahil sa SHS program.

Marami rin anilang mga guro sa ibang rehiyon ang overloaded na dahil sa kakulangan sa mga gurong magtuturo sa senior high school.