Pag-iwas sa paggamit ng plastic, muling ipinanawagan ng EcoWaste Coalition

(Eagle News) — Muling kinalampag ng EcoWaste Coalition ang mga manufacturer at maging ang gobyerno na kanilang pananagutan ang paglaganap ng plastic pollution sa bansa.

Ang kampanya ay isinagawa ng grupo sa Malate, Maynila ngayong araw bilang paggunita ng Plastic Bag Free Month ngayong Hulyo.

Ayon kay Dan Alejandre ng EcoWaste Coalition, panahon na para umiwas na ang lahat sa paggamit ng single use plastic sa pamamagitan ng pagdadala ng mga eco bag o mga re-usable bags tuwing mamimili.

Ang mga plastic aniya ay napupunta sa ating mga karagatan na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga yamang-dagat.

“Irespeto po natin yung environment. At nakikita po natin na itong mga plastic na ito, ay dumidiretso na itong mga single use plastic sa mga karagatan na siyang pumapatay sa mga marine animals po natin,” ayon kay Alejandre.

https://youtu.be/zHRh5CG7Yn4