Pacquiao, bumalik ang bilis at husay sa boxing sa pagkakapanalo kontra Matthysse – boxing analyst

(Eagle News) — Napakaganda ng naging laban ni fighting senator Emmanuel “Manny” Pacquiao laban kay Lucas Matthysse kahapon, Hulyo 15.

Ito ay ayon kay boxing analyst Renato Lirio, na nagsabing muling bumalik ang speed at husay ni Pacquiao sa boxing ring.

Sa kabilang banda, hindi rin naman matatawaran ang preparasyong ginawa ni Matthysse bagamat hindi pinalad na manalo laban sa ating pambato.

Hindi rin aniya umubra kay Pacquiao ang istilo ni Matthysse na sugod ng sugod.

“Yung gulat ni Lucas Matthysse di makina, nang sa halip na siya ang susugod, siya ang sinugod ni Manny Pacquiao. Ang lalakas kasi ng suntok ni Manny basta siya ay nasa kondisyon. Manny gave him his own dose of medicine,” pahayag ni Lirio.