Pacquiao at iba pang Filipino elite athletes, napiling Go Sports PH Ambassadors

(Eagle News) — Sa darating na laban ni fighting Senator Manny Paquiao kay Lucas Matthysse sa July 15 sa Kuala Lumpur Malaysia hangad aniya nito ang convincing win by knock-out o unanimous decision.

Si Pacquiao ang nanguna sa 24 na Sports Ambassadors ng Go Sports PH.

Kauna-unahang nailunsad ang Go Sports PH dito sa South East Asian region. Ang French Sports retail giant na ito ay marami nang branches sa Europe.

Masaya naman si Pascal Banet kasama ang kaniyang local partner na si former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na mailaunch sa bansa ang nasabing Go Sports.