P2P, walang operasyon sa Marso 24

(Eagle News) — Walang operasyon ang premium point-to-point (P2P) bus service sa Marso 24 hanggang 27 dahil sa public holiday.

Kasabay nito, isasagawa naman ang preventive maintenance ng P2P buses sa mga nasabing petsa habang balik-operasyon naman ang mga nabanggit sa Marso 28.

Magkakaroon din ng checking ang LTFRB kasama ang operator ng premium airport bus service ukol sa public holiday schedule.