P2P buses, muling ilulunsad para sa mga pasahero ng MRT-3

MANILA, Philippines (Eagle News) — Muling maglulunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng mga Point-to-Point bus para sa mga apektado ng aberya ng Metro Rail Transit (MRT)-3.

Simula sa Huwebes, February 1, sampung P2P bus ang itatalaga sa North Avenue at Quezon Avenue Stations para sa mga papuntang Ortigas at Ayala.

P15 ang singil sa pamasahe ng mga P2P bus.

Magtatalaga rin ang MMDA ng dalawang bus para sa libreng sakay ng mga pasahero habang tutulong naman ang Highway Patrol Group at Land Transportation Office (LTO) na maging maayos ang daloy ng trapiko.

https://youtu.be/PpCApJ5oGc0