P10-B budget, nais hilingin ng isang mambabatas para makabili ng palay mula sa pagsasaka

(Eagle News) — Naghain ng resolusyon ang isang mambabatas na layong maitama ang direksyon ng National Food Authority sa pagbili ng palay.

Ayon kay ANAKPAWIS Rep. Ariel Casilao, ikinukonsidera niya na humiling ng karagdagang budget na 10 billion piso para sa pagbili ng mas maraming pang palay mula sa mga magsasaka.

Kasama din sa resolusyon na baguhin ang naunang desisyon ng NFA Council na hindi pwedeng itaas ang buying price ng palay na nanatili sa Php 17.00 sa nakalipas na sampung taon.

Matatandaan na nag-angkat ng 750,000 metric tons ang NFA sa halip na bumili sa mga magsasaka.