Oil price rollback posibleng ipatupad sa susunod na linggo

(Eagle News) — Panibagong bawas-presyo sa langis ang posibleng ipatupad ilang araw bago salubungin ang bagong taon.

Bagaman walang trading sa world market noong Disyembre 24 at 25 dahil sa holiday season, malaki umano ang ibinaba ng presyo ng imported na langis sa kalakalan nitong Miyerkules.

Umabot sa Php 2.43 sa kada litro ang nabawas sa presyo ng imported na diesel; Php 1.96 naman sa kada litro ng imported na gasolina; habang Php 2.44 ang natapyas sa kada litro ng kerosene.

Gayunman, ayon sa oil industry sources, sumipa ang presyo sa trading kahapon, Disyembre 27. Dahil dito, kritikal ang magiging resulta ng trading ngayong araw ng Biyernes.

Kung sakali, ito na ang ikatlong sunod na linggong rollback ngayong Disyembre.

https://youtu.be/vd5iqQsAjqU