Oil price hike, asahan bukas

(Eagle News) — Nakaamba na naman ang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa araw ng bukas, Enero 29.

Ayon sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation, Caltex at Seaoil, magtataas sila ng 55 centavos sa bawat litro ng diesel, 20 centavos naman sa bawat litro ng gasolina at 40 centavos sa bawat litro ng kerosene.

Magpapatupad din ng kaparehong price adjustments maliban sa kerosene ang Phoenix, UniOil, Total, Ptt, Eastern, Jetti at Petro Gazz.

Epektibo ang nasabing price adjustment alas sais ng umaga (6:00 AM) bukas.

Ito na ang ika-apat na sunod na linggo ng pagpapatupad ng oil price hike.