No-Gift Policy mahigpit na pinapatupad sa BIR

MANILA, Philippines (Eagle News) — Hindi na papayagan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay ang lahat ng uri ng pagkain na ibibigay sa mga empleyado bilang bahagi ng “no gift policy” na ipinapatupad ng kasalukuyang administrasyon.

Ayon kay Dulay, ang sinumang lumabag sa nasabing kautusan ay agad na isusumbong sa kanilang Internal Affairs Services (IAS) para sa karampatang parusa.

Para matiyak  na nasusunod ang nasabing kautusan ,nagpaskil na si Dulay ng mga paalala sa bawat BIR offices sa bansa at pinagsabihan ang mga guwardiya na masusing tignan ang mga dinadalang pagkain para sa isang empleyado.