New Year’s countdown sa PHL arena, all set na

BOCAUE, Bulacan (Eagle News) — All set na ang paghahanda sa isasagawang New Year’s Count Down sa Philippine Arena, sa bahagi ng Bocaue, Bulacan bukas, Disyembre 31.

Ngayong gabi pa lamang mayroon nang concert na masasaksihan bukod pa ito sa gagawin ding concert bukas December 31 at grand fireworks display.

Tampok ang mga sikat na banda at artista, kabilang ang Silent Sanctuary, Up Dharma Down, Willie Revillame, Claire Dela Fuente, mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa, Ruru Madrid at maraming pang iba.

Samantala, mayroon din amusement park, game booths, bazaar at ang bagong The Garden and Zoo ang Philippine Arena.

(Eagle News Service Earlo Bringas)

https://youtu.be/LC0NGWax09Q