NEU Technology Research Center, inilunsad para sa iba’t ibang technology innovations

(Eagle News) — Inilunsad ng New Era University ang makabagong departamento ng pamantasan na tinawag na NEU Technology Research Center.

Ang nasabing bagong departamento ay may layong itaguyod ang iba’t-ibang mga imbesyon ng mga estudyante ng pamantasan na magiging malaking tulong sa hinaharap.

Ayon kay NEU President Dr. Nilo Rosas, isa ito sa kanilang bagong inobasyon upang makasabay sa umuusad na panahon lalo na sa teknolohiya.

Kabilang sa nais maituro ng pamantasan ay ang iba’t-ibang nga kaugalian sa mga estudyante hindi lamang ang propesyon kundi maipalaganap sa mga ito ang puso na makatulong sa komunidad.

Nais bigyang pansin ng NEU administration ang technology innovations sa umuusad na panahon lalo na ngayong technology ages.

Malaking tulong anila ang ginagawang series of lessons, seminars sa mga estudyante lalo na sa visualization ng isang imbesyon sa pamamagitan ng isang research at marami pang iba.

Sa unang taon ng nasabing departamento, naging isang bagong panimula din ang pagkakasungkit ng karangalan ng pamantasan sa kakatapos lamang na DOST Science Competition dahil sa tulong ng mga propesor ng NEU para maituro sa mga estudyante ang pagbuo ng isang teknolohiya para sa pag-papaunlad ng isang komunidad.

Layon ng NEU administration na mas lalo pang higitan ang pagtuturo sa mga kabataan ng mga kaalaman na makakatulong sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

(Eagle News Earlo Bringas)