MANILA, Philippines (Eagle News) — Target ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang zero incidents ng ligaw na bala at indiscriminate firing sa pagsalubong sa bagong taon.
Una nang nakipagtulungan ang NCRPO sa local government officials para magtatag ng firecracker zones para mapababa ang insidente ng firecracker injuries.
Mananatili namang naka-heightened alert ang NCRPO sa buong panahon ng holiday season.
Mula Dec. 16, 2016 hanggang Jan. 5, 2017, nakapagtala ang NCRPO ng anim na insidente ng indiscriminate firing, kung saan apat ang sugatan, anim na insidente ng stray bullet kung saan may isang patay at dalawang sugatan, at 172 firecracker injuries at limang insidente ng sunog.
Nitong Martes, Disyembre 26 una nang naaresto sina Police Officers 1 Arnold Sabillo Jr., ng Rodriguez, Rizal Police at Marbin Jay Allan Pagulayan ng Manila Police District dahil sa indiscriminate firing at limang katao naman ang naitalang nasugatan dahil sa firecracker blasts.
Sa Quezon City isang security guard din ang naaresto matapos magpaputok ng armas.
Kinilala itong si Ricardo Paed, 40 anyos. Nagpositibo naman sa impluwensya ng alak ang suspek.
https://youtu.be/ua0GgbJDOfo





