NCRPO sa publiko: Travel information, iwasang i-post sa social media

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinayuhan ng National Capital Region Police Office ang mga bakasyonista na huwag mag-post ng impormasyon ukol sa kanilang biyahe sa social media sites.

Kailangang bantayan ng mga magulang ang mga anak na gumagamit ng social media at iwasan ang mag-post ng hashtag (#) o “at the moment” (ATM) na mga post.

Hindi rin dapat i-upload ang mga litrato ng ticket, passport at flight itinerary.

Ito ay para hindi malaman ng mga may masamang kalooban ang kinaroroonan ng publiko.

Nagtalaga ang NCRPO ng labindalawang libong pulis para sa seguridad ng Metro Manila ngayong long weekend at holiday.

https://youtu.be/HP7gSshhosk