NCRPO, naghahanda na sa libing ni dating pangulong Marcos

(Eagle News) — Sinimulan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paghahanda para sa libing ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Pangunahin nilang pinaghahandaan ang inaasahang pagdagsa ng mga grupo na pabor at hindi pabor sa paglilibing sa dating pangulo sa Libingan ng mga Bayani.