NCRPO Chief Eleazar, nasungkit ang pangalawang estrelya

Ni Mar Gabriel
Eagle News Service

Mismong si Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang nagkabit ng ikalawang estrelya ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Director Guillermo Eleazar.

Dahil dito, isa nang full-fledged director si Eleazar na una nang namuno sa Quezon City Police District at sa PNP-CALABARZON.

Sa harap nito, nangako naman si Eleazar na lalo pang pagbubutihin ang kanyang serbisyo sa bayan.

Partikular na rito ang ginagawang internal cleansing ng PNP at ang kampanya laban sa ilegal na droga na panguhing programa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, kasunod ng pagkakabisto ng bentahan ng iligal na droga sa isa bar sa Makati City, mas paiigtingin pa daw ng NCRPO ang pagmamanman sa mga katulad na establisyimento

May mga report daw kasi na natatanggap ang NCRPO na may iba pang bar sa Metro Manila na nagbebenta ng iligal na droga sa kanilang mga customer.