‘Narco-generals’ nakitaan ng ebidensya para makasuhan – NAPOLCOM

Nakitaan ng National Police Commission o NAPOLCOM ng sapat na ebidensya o probable cause para sampahan ng kaso sina Police Director Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgardo Tinio.

Ang nabanggit na dalawang police generals ay kabilang sa mga unang  tinukoy ni Pangulong Duterte na umano’y drug protector.

Partikular na nakapaloob sa kasong administratibo laban kay Pagdilao at Tinio ay ang serious neglect of duty, serious irregularity in the performance of duty at conduct unbecoming of police officer.