MRT-3, muling nagkaaberya

(Eagle News) — Muling nagkaroon ng aberya sa operasyon ng Metro Railway Transit (MRT) 3.

Base sa anunsyo ng Department of Transportation (DOTr) sa kanilang twitter account, technical problem nanaman ang naging sanhi ng problema.

Dahilan ito upang pababain ang mga pasahero sa southbound sa Kamuning Station, ala-sais bente-syete (6:27 AM) kanina, Setyembre 27.

Umabot umano sa Category 3 ang nangyaring technical problem na ibig sabihin ay kinakailangang tanggalin ang tren.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT sa idinulot na aberya ng nasabing insidente.

https://youtu.be/ANNLxysFjQs