MRT-3 at LRT-3, naglabas na ng kanilang holiday schedule

MANILA, Philippines (Eagle News) — Magpapatupad ang MRT 3 ng mas maiksing operating hours ngayong holiday season.

Ito ay dahil sa inaasahang pagbaba ng bilang ng mga pasahero.

Ang regular schedule ng MRT 3 ay mula 5:30 ng umaga hanggang 10:30 ng gabi.

Ang pansamantalang pagbabago ng schedule ng MRT ay sa mga petsa at oras na sumusunod:

  • 24 ng Disyembre, Linggo mula 4:45 AM hanggang 08:26 PM
  • 25 ng Disyembre, Lunes mula 6:30 AM hanggang 9:50 PM
  • 30 ng Disyembre,Sabado mula 4:45 AM hanggang 9:50 PM
  • 31 ng DIsyembre, Linggo mula 4:45 AM hanggang 8:26 PM
  • 1 ng Enero, 2018, Lunes mula 6:30 AM hanggang 9:50 PM

Samantala, nag-anunsyo na rin ang LRT-1 ng bagong schedule ngayong holidays.

Ipinabatid ni Light Rail Manila Corporation Operations Director Rod Bulario na ang operasyon ng LRT-1 sa ika-24 ng Disyembre ay mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-8:00 lamang ng gabi.

At pagsapit ng ika-31 ng Disyembre, tatakbo ang operasyon ng LRT-1 mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-7:00 ng gabi.

Balik naman sa regular holiday schedule ng LRT na mula alas-4:30 ng madaling araw hanggang alas-9:30 ng gabi sa ika-25 ng Disyembre at ika-1 ng Enero.

 

https://youtu.be/D8rMArciaXc