Motorcade at parade of stars ng PPP, matagumpay

Mainit man, hindi ininda ito ng mga artista, direktor at lahat ng mga bumubuo sa isang dosenang pelikulang kalahok ng parating na Pista ng Pelikulang Pilipino o PPP.

Nag-motorcade ang mga kalahok sa sampung pelikula sa pangunguna ni Film Development Council of the Philippines head Liza Dino.

Bawat pelikula ay may kanya-kanyang float kung saan nakasakay ang mga cast at director.