MMDA sa publiko: Iwasang dumaan sa mga kalsadang ruta ng ASEAN dry run convoy

(Eagle News) — Muling nagpaalala ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na iwasang dumaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila at kalapit na lugar bukas, Oktubre 29.

Ito ay dahil sa muling pagsasagawa ng dry run para sa nalalapit na Association Of Southeast Asian Nations (ASEAN summit).

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasang dumaan sa EDSA southbound lane, NLEX at S-CTEX ngayong linggo, mula alas-sais ng umaga (6:00 AM) hanggang alas-tres ng hapon (3:00 PM).

Pinapaiwas rin sa mga motorista ang North at Southbound lane ng Roxas Boulevard dahil daraan sa nasabing kalye ang may dalawampung convoy na magmumula sa Clark International Airport.