(Eagle News) — Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa Biyernes ay magpapatupad sila ng bagong “ipper lane” papuntang Southbound ng Edsa.
Magsisimula ang “zipper lane” sa Edsa-Main Avenue junction sa Cubao,Quezon City at ang dulo ay sa Edsa-Guadix-MRT Ortigas Station.
Isasagawa ito mula alas nueve y medya ng umaga hanggang ika-labing isa ng umaga.
Paliwanag ni MMDA General Manager Tim Orbos, lumabas sa kanilang pag-aaral na sa gayong mga oras ay maluwag ang daloy ng mga sasakyan sa northbound ng Edsa.
Paala-ala naman ni Orbos sa mga motorista na habang bukas ang “zipper lane” ay isasara muna ang U-Turn slots sa Edsa-Camp Crame-Santolan at Northbound flyover ramp mula Edsa hanggang Ortigas Avenue-Greenhills.
https://youtu.be/xPpLI9F_6LM





