MMDA maghahanda ng libreng sakay para sa nakaambang tigil-pasada

(Eagle News) — Pinangangambahan ng maraming pasahero sa Metro Manila ang muling mai-stranded dahil sa strike ng transport group na Stop and Go Coalition.

Ito’y bilang protesta sa planong jeepney phase-out ng gobyerno.

Ayon kay Stop and Go Coalition president Jun Magno, bagaman wala ng makapipigil sa kanilang transport strike, bukas naman sila para sa isang dayalogo basta’t pakikinggan sila.

Umaangal din aniya silang mga nasa transport sektor sa napaka-mahal na  E-Jeepney na ipinapanukala ng  gobyerno na ipapalit sa mga lumang jeep.

Samantala, nakahanda naman ang Metropolitan Manila Development Authority na magbigay ng ayuda sa mga commuter na maaapektuhan ng transport strike.

Magtatalaga ng libreng sakay ang MMDA sa pitong staging areas. Ang libreng sakay ng MMDA ay tinawag nilang “Kalayaan Rides.”

Kabilang dito ang:

  • Monumento sa harapan ng MCU southbound
  • SM Marikina
  • Luneta parade ground
  • HK Sun Plaza Swipt Pasay City
  • Technohub QC
  • MMDA parking lot
  • Camp Aguinaldo