Miss Universe Catriona Gray, kabi-kabila ang aktibidad bago magtungo sa New York

(Eagle News) — Hectic ang skedyul ngayon araw ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kaninang umaga ay sumabak  si Catriona sa media tour at charity work.

Nagtungo ang Miss Universe sa Gentle Hands Orphanages , isang bahay ampunan sa Quezon City para mamigay ng mga regalo sa mga bata.

Sa isang maikling mensahe, sinabi ni Gray na madaling naantig ang kaniyang puso sa mga bata dahil sya ay nag-iisang anak.

Ngayong hapon, nakatakda rin siyang mag courtesy call kay Pangulong Rodrigo Duterte, pero hindi sa Malacañang kundi sa Kalayaan Hangar sa Villamor Airbase sa Pasay City, ito ay bago ang kaniyang biyahe patungong New York ngayong gabi.