Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, nakabalik na ng Pilipinas

Balik-bansa na si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach. Nagpasalamat naman ang Ms. Universe sa mainit na pagsalubong sa kanya ng mga taga-suporta.

Ngayong araw isasagawa ang parada para kay Pia na magsisimula sa Sofitel Hotel sa Pasay City at dadaan sa Taft Avenue, Roxas Boulevard, Buendia at Ayala Avenue kung saan magkakaroon ng Shower of Confetti.

Magsasagawa rin ito ng courtesy call kay Pangulong Benigno S. Aquino III sa Malacañang at kongreso maging sa mga lokal na opisyal ng Maynila at Quezon City. (Eagle News Service)