Mindanao, inilagay na sa red alert

Inilagay na sa red alert ang buong Mindanao dahil sa sa generation deficiency o kaunting suplay ng kuryente ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Dahil dito, ayon sa ahensya, inaasahan na ang rotating brownouts sa Mindanao kaugnay na rin anila ng zero megawatt na contigency reserves sa Mindanao.

Napag-alaman ding magkukulang ng 49 megawatts na reserve power ang Mindanao Grid kaugnay ng pagbagsak ng Quezon Power Plant.