Mga regular white taxi pinapapasok na sa NAIA

PASAY, Philippines (Eagle News) — Sinimulan nang ipatupad ngayong araw ang pagpapasok ng white metered taxi at kumuha ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni MIAA General Manager Ed Monreal na malaking tulong ang mga naturang white taxi lalo na sa mga pasaherong maraming bagahe.

Ayon pa kay Monreal, may itinalaga na silang lugar kung saan uubrang pumasok ang white taxi para makakuha ng mga pasahero.